-- Advertisements --

Tinuldukan na ni Russian President Vladimir Putin ang mga kwestyon patungkol sa kaniyang balak para sa pagiging presidente nito ng naturang bansa.

Ito ay matapos suportahan ni Putin ang constitutional ammendment na nagbibigay pahintulot dito para manatili sa kaniyang pwesto hanggang 2036.

Ipinasa ng Kremlin-controlled Duma sa ikatlong pagbasa ang nasabing ammendment. Sa botonbg 383-0 kung saan 43 ang nag-abstain ay tuluyan nang natanggal ang constitutional barrier ng 67-anyos na presidente.

Isinulong ni Valentine Tareshkov, kauna-unahang babae na lumipad sa kalawakan, ang naturang ammendment na kaagad namang sinuportahan ni Putin at ng mga mambabatas.

Nakapaloob sa naturang proposal na maaaring manatili sa pagkapangulo ng Russia si Putin sa pamamagitan ng tuluyang pagtanggal sa two-term limit na ipinatutupad o pag-reset sa termino ni Putin.

Una nang kinondena ng mga kritiko ni Putin ang hakbang na ito. Anila, malinaw daw na isang cynical manipulation ang ginagawa ni Putin.

Hinikayat din ng mga ito ang lahat na makiisa sa malawakang kilos-protesta na gagawin nila bukas.