Nangangamba si House Deputy Minority leader Carlos Isagani Zarate na maabuso ang kautusan na nagpapatukoy sa Department of Energy (DOE) ng mga “unviable, unserved, underserved at poorly served areas” na sakop ng franchise areas ng mga distribution utilities.
Ayon kay Zarate, maaring pagkukunwari lamang ang Executive Order 156 para kalaunan ay i-take over daw ng pamahalaan ang mga electric cooperatives tulad ng ginawa ng Duterte administration sa Benguet Electric Cooperative sa Baguio.
Bagama’t beneficial naman ito sa mga malalayong lugar na nangangailangan ng kuryente, subalit nakikita ni Zarate ito bilang “disguised scheme” para i-take over at kalaunan ay ibenta ang mga electric cooperatives sa mga private power players kasunod na rin nang pananalasa ng bagyong Odette.
Sa ilalim ng EO 156, inaatasan ang DOE na obligahin ang lahat ng distribution utilities ng Comprehensive Electrification Master Plan para sa total electrification ng kani-kanilang franchise areas.
Samantala, ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay inaatasang mag-promulgate ng mga patakaran sa pag-compute ng mga rates para sa full cost recovery ng mga pasilidad na itinayo ng mga microgrids at iba pang alternative electric service providers.
“As it is, the timing of EO 156 is also quite suspect considering that the elections are fast approaching and a change in the management of electric coops may affect the delivery on electricity during elections especially if they are controlled by Malacanang allies and appointees,” ani Zarate.