-- Advertisements --

Naitala ni tennis world number 57 Anna Blinkova ang upset ng Australian Open matapos na talunin si Elena Rybakina.

Nakuha ng Russian tennis star ang score na 6-4, 4-6, 7-6[20] sa ikalawang round.

Sa nasabing laro din ay naitala ang pinakamahabang singles match-tiebreak sa kasaysayan ng Grand Slam.

Mayroong kabuuang 42 point match-tiebreak na nalagpasan ang 38-point tiebreak na naitala nina Lesia Tsurenko at Ana Bogdan sa Wimbledon at ang laban nina Jo-Wilfried Tsonga at Andy Roddick noong 2007 Australian Open.

Tumagal ang nasabing laro na 2 oras at 46 minuto.

Sinabi ni Blinkova na ang nasabing laro ay hindi niya makakalimutan sa buhay niya.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Jasmine Paolini ng Italy.