-- Advertisements --
ANGE KOUAME sbp GILAS

‘Naging maganda ang pagtutulungan ng bawat player’.

Ito ang iginiit ni Gilas Pilipinas Center Ange Kouame, kasunod ng pagkakapanalo ng team Philippines ng gintong medalya sa naging laban nito sa Finals kontra Jordan.

Ayon sa batikang Sentro, nagbigay ng kontribusyon ang bawat player na siyang naging daan ng maganda nilang performance.

Sa naging laban ng Jordan at Gilas, nagawa ni Kouame na makapagpasok ng 14 points.

Maliban dito, ipinakita rin ng batikang Sentro ang maganda nitong depensa sa pamamagitan ng 11 rebounds, 5 steals at dalawang blocks.

Sa 11 rebounds na kanyang nagawa, 4 dito ay mga offensive rebound.

Sa ngayon, buhos pa rin ang pagbati sa national team ng Pilipinas matapos ang makasaysayang performance kagabi laban sa Jordan.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makuha ng Pilipinas ang gintong medalya sa Asiad Basketball sa loob ng 61 years.