Reading Time: 1 minute

Nangangailangan pa ng dagdag na dasal ang pamilya ni Eddie Garcia para sa paggaling ng award-winning actor.

Ito’y dahil nasa “very critical” pa rin ang kondisyon ni Manoy ayon tagapagsalita ng pamilya na si Dr. Tony Rebosa.

“He is still in a very critical condition. The family is overwhelmed by the gesture of support from everyone, the love. We need prayers,” saad ni Rebosa.

Nitong Sabado nang masubsob ang 90-year-old actor sa semento sa kasagsagan ng taping sa Tondo, Maynila.

Una nang nilinaw ng family doctor na severe cervical fracture ang dinanas ni Eddie, taliwas sa mga kumalat na ito ay inatake sa puso at na-heatstroke.