-- Advertisements --
Ikinagulat umano ng pamilya ni Jennifer Laude ang naging desisyon ng Olongapo City court na palayain si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton kahit hindi pa nito tapos ang sentensya sa kaniya na 10 taong pagkakakulong.
Sinabi ni Atty. Virgie Suarez, legal counsel ng pamilya Laude, na labis ang lungkot na nararamdaman ngayon ng naiwang pamilya ng biktima.
Kinukwestyon din aniya nila ang umano’y good conduct na ginawa ni Pemberton habang nakakulong ito sa Camp Aguinaldo.
Masusukat lamang daw kasi ang asal ng isang preso kung paano ito makipaghalubilo sa kaniyang kapwa sa loob ng piitan.