Determinado pa rin ang pambato ng bansa na si Samantha Ashley Lo na masungkit ang kauna-unahang Miss Grand International crown para sa Pilipinas.
Pahayag ito ng Cebuana beauty kasunod ng kanyang pagdating sa host country na Venezuela matapos ang kontrobersyal na karanasan kung saan muntik na siyang hindi matuloy sa sasalihang international beauty pageant.
Ayon kay Sam, hindi ang local organizer kundi ang pamilya niya at ilan sa mga kababayan ang tumulong sa kanya para makabalik siya sa Pilipinas mula sa Paris.
Unang kumalat ang balitang peke ang kanyang passport kaya nang dumating siya sa Paris para sa connecting flight niya, na-detain at ipina-deport ng French authorities pabalik sa Pilipinas.
Pinasalamatan din nito ang Miss Grand International na tinanggap siya at pumayag na magpatuloy sa kompetisyon.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Lo sa aniya’y “traumatic” experience:
“I know people have been waiting to hear from me but this past week has been such a rollercoaster of stress and uncertainty that I felt it was unnecessary to involve the public.
I chose to break my silence until I arrived in Venezuela because I wanted to make sure I got here safely.
Despite what happened last week and the trauma that came with it, I have moved forward and pursued this journey knowing that I did not intentionally commit any of the acts that have been unfairly attributed to me.
But yes, my local organizer, who handled my travel preparations, failed to equip me with the proper transit visa that may have enabled me to complete my earlier trip to this host country.
And when this is all over, I hope to bring home the crown and glory to the Philippines and our people.
“It is not easy for me to do this — I still struggle with the fear and the trauma of recent days — but I know there is a bigger picture here and I will not let such fear silence me or deter me from the grand task ahead.”
Gaganapin ang Miss Grand International coronation sa Caracas, Venezuela, sa darating na October 25.
Kung maaalala, bigo ang predecessor nitong si Eva Patalinjug na makapasok sa Top 20.
Makakalaban ni Sam ang kontrobersyal na pambato ng Thailand na namintas sa pagiging mataba raw ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.
Pero bago kay Sam, una munang malalaman ang kapalaran ni Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista.
Sa kasalukuyan ay nasa Albania na ang 26-year-old Laguna beauty at nairampa na sa pre-pageant activity ang makulay at eleganteng national costume na hango sa Maranao Princess.
Sa darating na October 22 ang coronation ng Miss Globe 2019 kung saan determinado pa rin si Leren na makapag-uwi ng korona kahit pa nagtagumpay na ito bilang Miss Tourism Queen of the Year International noong 2015.
Taong 2018 ay nagtapos sa Top 15 ang Pinay volleyball star na si Michele Gumabao.