MS WORLD 2019

Hindi pinalad ang Pinay beauty queen na si Michelle Dee na masungkit ang korona sa katatapos lamang na Miss World 2019 na ginanap sa London, England.

Kinoronahan bilang Miss World 2019 ang pambato ng Jamaica na si Toni-Ann Singh habang second place naman si Ophely Mezino mula France at pumangatlo si Suman Rao ng India.

Bigo rin si Dee na makapasok sa top 5 ng naturang patimpalak.

Sa kabila nito, tila abot-kamay pa rin ng 23-anyos na dalaga ang kaniyang mga adhikain patungkol sa autism awareness matapos itong italaga bilang Goodwill Ambassador ng Autism Societ Philippines (ASP).

Nanguna sa naturang beauty pageant ang mga pambato mula Nigeria, Brazil, India, Jamaica at France.