-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hangad ng pambato ng Iloilo City na si Keshapornam Ramachandran ang back to back win sa Miss Universe Philippines.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Rosario Empedrad, lola ni Keshapornam, sinabi nitong tiwala sila na masusungkit ng 20-anyos na Ilongga ang korona.
Ayon kay Lola Rosario, elementary pa lang ang kanyang apo, mahilig na itong sumali sa mga pageant.
Napag-alaman na working student si Kesha kung saan ang ina nito na nasa Malaysia ang bumubuhay sa kanilang tatlong magkakapatid.