-- Advertisements --
Kinoronahan ang pambato ng Dominican Republic na si Manuel Franco sa Mister International 2022.
Nangibabaw ito sa 34 na mga contestants mula sa iba’t-ibang panig ng mundo sa pageant na ginanap sa Quezon City.
Nakuha naman ng pambato ng India na si Lukanand Kshetrimayum ang first-runner up habang second runner up naman ang pambato ng Venezuela na si Orangel Dirinot at pangatlong puwesto naman ang pambato ng Hong Kong.
Nakuha naman ng pambato ng Pilipinas na si MJ Ordillano ang fourth runner-up.
Nakakuha ng mga special awards si Franco gaya ng Best in Formal Wear, habang best in swimwear naman si Juan Pablo Colias ng Spain.