-- Advertisements --

Ibinunyag ni Mister International 2025 Kirk Bondad na nagkabalikan na sila ng dating nobyang si Lou Yanong.

Ang kumpirmasyon ay kasunod ng mga larawanna kumalat sa social media na magkasama sila.

Dagdag pa nito na madalas na silang magkita muli at doon nabuo ang panibagong pagtitinginan.

Inilarawan niya na ang pagbabalikan nila na parang isang malamig na kape na kailangang painitin.

Noon pang nakaraang mga limang buwan ng muli nilang binuhay ang kanilang relasyon.