-- Advertisements --

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kirk Bondad ang titulong Mister International 2025.

Tinalo ng Filipino-German model at fitness trainer ang 40 mga kandidato mula sa iba’t-ibang bansa sa pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Tinanghal naman bilang first runner-up si Saadedine Hneineh ng Lebanon habang nakuha naman ni Choi Seung Ho ng South Korea ang second runner-up.

Napahanga ni Kirk ang mga judges ng tanuningin siya kung mabigyan ito ng tsansa na magsalita sa United Nations at sinabi nito na pagtutuunan nito ang bata na dapat protektahan sila at mabigyan sila ng tsansa.

Bukod sa award ay pasok din siya sa top 5 ng Natioanl Costume Competition at Top 3 sa People’s Choice Contest.

Noong 2024 ng sumali din siya sa Mr. World 2024 kung saan nakapasok ito sa top 20.