-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinoronahang Mutya ng Cauayan 2023 ang pambato ng Barangay Cabaruan na si Bb. Alexis Anne Ramos.

Ginanap ang coronation night ng Mutya ng Cauayan 2023 kagabi sa BGD Sports Complex sa Brgy. Tagaran.

Naging tanong kay Bb. Ramos kung ano ang kanyang magiging suhestyon sa pamahalaang lunsod ng Cauayan upang mapabuti pa ang sitwasyon ng sektor ng agrikultura para sa inobasyon ng City of the North.

Samantala wagi naman si Bb. Myne Macato ng Brgy. District 2 bilang Mutya ng Cauayan 2023 Technology at si Leanna Soriben ng Barangay Villa Concepcion ang Mutya ng Cauayan 2023 Agriculture.

Nanalo bilang Mutya ng Cauayan 2023 Culture and the Arts si Bb. Princess Sophia Samonte ng Barangay District 1 habang Mutya ng Cauayan 2023 Tourism si Bb. Shayrine Bautista ng Barangay San Luis.