-- Advertisements --
Dalawang tao ang napatay at 21 ang sugatan sa nangyayaring pamamaril sa isang nightclub at mga kalapit na kalye sa gitna ng Norwegian capital sa Oslo.
Ang mga pamamaril ay iniimbestigahan bilang isang gawaing terorista.
Napag-alaman na nagkaroon ng pamamaril sa tatlong lokasyon kabilang ang isang gay bar.
Arestado ang isang suspek at nasamsam ang dalawang armas.
Nangyayari ang pamamaril sa London Pub, isang sikat na gay bar, pati na rin malapit sa Herr Nilsen jazz club at isang takeaway.
Sinabi ng mga oganizer na itinigil ng Oslo ang taunang Pride parade nito kasunod ng mga pamamaril.
Tinawag ito ni Norwegian Prime Minister Jonas Gahr Stoere na isang “kakila-kilabot at shocking attack sa mga inosenteng tao”.










