-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tinuligsa ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmail”Toto”Mangudadatu ang pamamaril patay sa COA-Auditor ng lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Guiaria Bagundang Akmad,60 anyos,may asawa,residente ng Krislamville Brgy Rosary Heights 6 Cotabato City at Auditor ng Commission on Audit sa Maguindanao.

Matatandaan na lulan ang biktima sa isang Toyota pick-up na minamaneho ng kanyang mister sa Avelina Street Barangay Rosary Heights 6 sa Cotabato City malapit sa Mall of Alnor ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Naisugod pa ang biktima ng mga nagrespondeng pulis sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang ligtas naman ang mister nito.

Dagdag ni Mangudadatu na si Akmad ay may prinsipyo at integridad sa kanyang trabaho lalo na ang pagmamahal sa kanyang pamilya.

Ang pagkasawi ng biktima ay isang malakas na indikasyon sa patuloy na pagtaas ng karahasan sa probinsya ng Maguindanao.

“May the wrath of the Almighty Allah be at the heels of those who has the blood of Akmad in their hands “ ani Mangudadatu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Cotabato City sa pamamaril patay sa biktima.