Hindi nakitaan ni dting Health Secretary at kasalukuyan ay Ioilo Rep. Janette Garin ang pamahalaan nang urgency pagdating sa COVID-19 vaccination program nito.
Ayon kay Garn, sa 111 million Pilipino, nasa .2% pa lamang ng populasyon ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19, magmula nang magsimula ang rollout ng programa ng pamahalaan noong Marso 1, 2021.
Iginiit ni Garin na dapat simultaneous ang pagbabakuna at hindi puwedeng hospital workers muna pagkatapos ay saka lang babakunahan ang mga rural health physicians, city health officers, swabbers healthcare workers na tumatao sa mga birthing clinics at sa pribadong sektor.
Kaya nga marami ang nagkakasakit na hindi naman dapat dahil sa mabagal na proseso sa pagbabakuna sa bansa, sa kabila nang pumalo na sa mahigit 1.5 million doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas, na pawang mga donasyon mula China at sa COVAX Facility.
Sinabi ng kongresista na kailangan bigyan ng equal protection ang lahat ng mga napapabilang sa Category A sa lalong madaling panahon.
Iyong mga may co-morbidities ay dapat na mabakunahan na rin, lalo na ang mga diabetics, cancer patients at iyong may cardiac ailemts ay dapat na mabakunahan na rin.
Mahalaga rin aniyang sa lalong madaling panahon ay magamit na rin ang lahat ng mga bakuna na natanggap ng Pilipinas.
Bukod sa vaccination, sinabi ni Garin na dapat tuloy-tuloy din ang testing upang sa gayon ay magkaroon ng scientific solution sa pandemic.
Magugunita na ilang beses na ngayong buwan sumipa sa mahigit 7,000 ang naitalang bagong COVID-19 cases sa kada araw, na siyang naging mitsa para ipatupad ng pamahalaan ang mas mahigpit na restrictions sa loob ng NCR Plus bubble.