-- Advertisements --
Diokno1

Isinusulong ng administrasyong Marcos ang agresibong disposisyon ng mga nakatiwangwang na pag-aari ng gobyerno na may ₱2.5 bilion na halaga ng mga ari-arian na isasapribado ngayong taon ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ang mga malilikom mula sa pagbebentahan ay maaaring magbigay karagdagang pondo para sa mga prayoridad na proyekto

May kabuuang 143 na mga ari-arian ng estado ang natukoy para sa disposal base sa ipinakitang kopya ng isang dokumento mula sa Department of Finance (DOF).

Mula kasi 2019 hanggang 2021, umabot lamang sa ₱664 million ang kabuuang benta.

Sinabi din ni Diokno na sa loob ng unang anim na buwan ng bagong administrasyon ang Privatization Council ay nagbigay na ng greenlight sa final sale ng ₱800 million na halaga ng mga asset.

Nitong nakaraang linggo, inaprubahan ng konseho ang pagbebenta ng anim na ari-arian na may kabuuang halaga na ₱152.8 million.