-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nagdeklara ang pamahalaan ng Thailand ng 3 days holidays mula November 16 hanggang November 18.

Ayon kay Pam Picorro, presidente ng Partido Federal ng Filipino OFW Thailand chapter at BINC Thailand, ang mga Filipino community ay nasiyahan dahil sa mahabang holidays na bahagi ng preparasyon sa pagbisita ng mga pangulo kasama si pangulong Ferdinand MArcos Jr. sa pagdalo sa APEC summit.

Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ng pamahalaan para matiyak ang seguridad ng pangulo.

Ipinagmamalaki rin ni Picorro na napakaganda ang ginawang preparasyon ng embahada ng Pilipinas sa pagdating ni PBMM.

Nagkaisa aniya ang mga Filipino community at nagtulong tulong ang mga volunteers na mga Pilipino para sa gaganaping meet and greet ni pangulong Marcos.