-- Advertisements --
image 131

Nangako ang pamahalaan ng papaigting pa ng monitoring nito sa presyo ng bigas sa mga palengke at supermarkets sa bansa sa gitna ang pagsipa ng inflation sa 5.3% noong Agosto ng kasalukuyang taon.

Kung saan ang pangunahing nag-ambag ng mabilis na inflation rate noong nakaraang buwan ay ang mabilis na pagtaas sa presyo ng pagkain lalo na ang bigas at non-alcoholic beverages.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang datos na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magpatupad ng price ceiling sa ilang klase ng bigas bilang pansamantalang hakbang para matugunan ang inflation sa bansa.

Sinabi din ni Executive Secretary Bersamin na inisyu ng Pangulo ang executive order na nagmamandato sa price cap ng regular at well milled rice na madalas na binibili ng mga konsyumer upang maprotektahan ang vulnerable population laban sa hindi tama at artipisyal na pagtaas ng presyo ng bigas na ayon sa Pangulo ay dahil sa hoarding at pagmamanipula sa presyo.