-- Advertisements --
taiwan visa entry

Nagpaabot ng tulong ang pamahalaan sa pamilya ng Pilipinong nasawi sa Taiwan.

Ayon kay Manila Economic & Cultural Office Chairman Silvestre Bello III, namatay ang naturang pinoy habang nasa loob ng isang Taiwanese vessel nooong huling bahagi ng Hunyo.

Ito ang unang pagkakataon aniya na may isang OFW na namatay sa Taiwan.

Batay sa record ng MECO, noong Setyembre 14 lamang dumating ang mga labi ng Pinoy dahil na rin sa mga proseso, at sa otopsiya na isinagawa ng Prosecutor’s Office ng Taiwan.

Nabigyan ang pamilya ng biktima ng NTD1.5million(New Taiwan Dollar), o katumbas ng P2.6 million.

Habang ang pinagsama-samang tulong na ibinigay ng LGU, pamahalaan, at Department of Migrant Workers (DMW), ay umaabot sa halos P200,000.00.

Bagaman hindi na pinangalanan ang naturang Pinoy, sinabi ni Chairman Bello III na siya ay mula sa Narvacan, Ilocos Norte.