-- Advertisements --
COVID 19 COVID patients hospital WHO

Naglaan ng P23 billion na pondo ang pamahalaan sa ilalim ng 2023 proposed national budget, para sa pagpapaigting ng mga healthcare facilities sa buong bansa.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pondong ito ay partikular na tutugon sa mga kakulangan na tinukoy sa Philippine Health Facility Development Plan para sa 2022 hanggang 2040, alinsunod na rin sa implementasyon ng Universal Health Care Act.

Ayon sa kalihim, kaugnay pa rin ito sa commitment ng Marcos administration na makapagbigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino.

Matatandaan na sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP), layon na maibaba ang healthcare program sa mga rehiyon at mga liblib na lugar.

Bukod sa pagpapaigting ng mga healthcare facilities, pinalalakas rin ng pamahalaan ang health services ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa healthcare workforce, research and development, at pagtitiyak na abot-kaya at inclusive ang healthcare sa bansa.