
Nagtabi ang gobyerno ng P500 billion para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.
Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ang nasabing halaga ay bahagi ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng pamahalaan upang mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon.
Base sa mga ikakasang proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa climate change ay ang mga hakbang para mapigilan ang deforestation, gagawing pag-aalaga sa mga watershed at protected areas, pagsasagawa ng pagsisiyasat o research para sa climate change adaptation gayundin ng mga pagsasanay hinggil sa community-based climate change adaptation at disaster risk reduction.
Matatandaan na sa naging budget message nuon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat magkaroon ng climate change expenditures nagpopokus sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability gayundin sa human security at climate smart industries and services.
Ang P500 billion budget para sa climate change ay portion ng P5. 268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 na mas mataas ng 4.9% sa 2022 budget.










