Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Boy Locsin na nagbigay ang gobyerno ng Pilipinas ng $100-K o halos P4.8-million pesos para sa COVID-19 Response Fund ng ASEAN.
Bukod pa ito sa unang kontribusyon ng pamahalaan na $100-K para naman sa COVID-19 Vaccine Global Access (COVAX) Facility.
Ayon kay Locsin, kukunin ang nasabing pondo mula sa sariling travel funds ng DFA.
Nagpasalamat naman ito kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa pag-realign ng pondo ng DFA para sa COVID-19 Response Fund, gayundin ang Passport Revolving Fund.
Ang Asean COVID-19 Response Fund ay isang special fund na binuo noong Abril 2020 para patatagin pa ang pandemic response ng ASEAN countries at bilang tulong-pinansyal na rin sa pagbili ng mga kinakailangang medical supplies maging ang development ng mga bakuna.