-- Advertisements --
image 276

Hinikayat ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na muling pag-aralan kung kaya pang itaas ang subsidiyang ibibigay sa transport sector para sa pagsusulong ng PUV Modernization Program.

Ani Marcos na masyadong maliit na halaga ang P80,000 hanggang P160,000 na subsidiya para sa milyong halaga ng sasakyan.

Binigyang-diin pa ng senadora na lahat naman ay nagnanais ng moderno at bagong sasakyan ngunit ang tanong ay kung kakayanin ba ng mga ordinaryong operator at tsuper.

Pabor din ang senadora na suspendihin muna ang implementasyon ng naturang programa hangga’t hindi pa naaayos ang mga isyung bumabalot dito.

Samantala, iginiit ni Marcos ang pangangailangan na imbestigahan ang sinasabing katiiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa kabila ng recantation ni Jeff Tumbado sa kanyang naunang pahayag.

Iginiit ni Marcos na marami nang napaulat na katiwalian sa transport sector na hindi dapat balewalain at kailangang siyasatin.