Umapela sa pamahalaan ang Commission on Human Rights na tugunan ang posibleng pagkawala ng income na maaaring ibunga ng PUV modernization program sa mga tsuper at operator.
Aniya, responsibilidad ng estado na apisyenteng i-subsidize ang programa, at dapat nauunawaan ang implementing rules and regulations ng PUV modernization program.
Bagamat suportado ng komisyon ang hakbang ng pamahalaan na gawing mas ligtas at environment friendly ang mga pampublikong sasakyan sa bansa, binigyang diin naman nito ang kahalagahan ng isang inklusibong pag-unlad.
Ayon pa sa CHR, kung titignan ang epekto sa ekonomiya at piansiyal bunsod ng PUV modernization program, mayorya ng pasaning pinansiyal ng programa ay sasaluhin ng mga tsuper at operator. Dapat din aniyang tignan na mayorya ng PUV operators ay mula sa vulnerable sector.
Sinabi pa ng komisyon na ang striktong pagsunod sa consolidation deadlines ay maaaring makakompormiso sa karapatan ng mga PUV operatos para sa tuluy-tuloy na kabuhayan.
Dagdag pa ng komisyon na ang suspensiyon sa pagiisyu ng prangkisa para sa mga tradisyunal na dyip ay humantong sa ilang mga hamon sa pagpapanatili ng sapat na suplay at maasahang pampublikong transportasyon na nagresulta sa pagkaantala ng arawang biyahe ng general public.
Kayat ipinunto ng ahensiya sa ilalim ng International Labor Organization Convention 87, sinabi ng CHR na may karapatan ang mga manggagawa na sumali sa mga organisasyon nang sarili nilang kagustuhan nang walang prior authorization.
Samakatwid, ang paglahok aniya sa isang kooperatiba ng mga tsuper at operator ay dapat na isang boluntaryong desisyon.
Dapat din aniyang isulong ang programa ng hindi nilalabag ang mahahalagang karapatang pantao. (With reports from Bombo Everly Rico)