Nanawagan si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa pamahalaan na muling kunin ang tinatayang nasa 700,000 casual at contractual employees sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Makakabuti aniya ito sa lagay ng joblesness sa bansa at sa pagdurusa rin ng mga job-order personnel sa epekto ng pandemya kasunod nang pagwawakas ng kanilang kontrata noon pang Disyembre 31 ng nakaraang taon.
Sinabi ni Defensor na dapat maging halimbawa ang Kamara at pangunahan ang rehiring nang mga casual at contractual emplyees sa pamamagitan nang muling pagkuha sa mga apektadong manggagawa.
Mahalaga aniya ang papel ng mga contractual employees na ito sa burukrasya, dahil pinupunuan ng mg aito ang mga bakanteng posisyon at tumutulong din sa mga regular na empleyado.
Iginiit ni Defensor na mayroong sapat na pondo ang pamahalaan para kunin ulit ang serbisyo ng mga contractual employees.
Pinaalalahanan naman ng kongresista ang mga ahensya at kagawaran ng pamahalaan na walang balak kunin ulit ang mga job-order personnel sa gobyerno na hindi dapat tintitpid ang alokasyon na nakalaan sa sahod at iba pang benepisyo ng mga empleyado.










