-- Advertisements --

Hindi na ikinagulat pa ng Malacañang na nakuha ng Pilipinas ang ika-apat na puwesto sa listahan ng mga bansang pinaka-apektado ng malalang kondisyon ng panahon sa buong mundo.

Sa isang statement, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na matagal nang identified ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang “most vulnerable” sa climate hazards, gaya na lamang ng mga bagyo, pagbaha, landslisdes, at droughts.

“We are therefore not surprised that we are number 4 in terms of long-term climate risk index from a study done from 1999 to 2018,” dagdag pa ni Roque.

Base sa Global Climate Risk Index Report para sa taong 2021 ng research group na Germanwatch, ang Pilipinas ang nakakuha ng ika-apat na puwesto sa listahan ng mga bansang pinaka-apektado ng extreme weather mula 1999 hanggang 2018.

Nakasaad sa report na ang worst-hit countries ay maaring ma-clasify sa dalawang grupo: ang mga pinaka-apektado dahil sa “exceptional catastrophes” at iyong mga apektado ng extreme weather events ng tuloy-tuloy o “ongoing basis”.

Ang Pilipinas ay pasok sa ikalawang klasipikasyon.

Ayon kay Roque, ito ang dahilan kung bakit lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte sa Paris Agreement on Climate Change noong Marso 2017.

Mayroon na rin aniyang nabuong Calinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction Roadmap ang pamahalaan para sa taong 2018 hanggang 2022 para sa mga lugar gaya ng Metro Manila, Cebu, Iloilo at Davao.