-- Advertisements --
Tiniyak ng Palestinian Civil Defense na sila ay makikpagtulungan sa independent investigation matapos ang tatlong magkakahiwalay na mass graves kung saan natagpuan ang 392 na bangkay.
Magugunitang ilang mga bangkay ang natagpuan sa mass graves malapit sa Nasser Hospital sa Khan Younis.
Ayon kay Palestinian Civil Defence member Mohammed al-Moghier na mayroon ng inihanda ang kaniyang team para ibigay sa independent investigators.
Una ng nanawagan ang ilang mga bansa maging ang mga right groups at United Nations na dapat imbestigahan ang natagpuang mass graves.
Itinanggi naman ng Israel na sila ang nasa likod ng mga nahukay na mga mass graves.