-- Advertisements --
Magiging maulap na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang Palawan nitong araw dahil sa low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dahil sa easterlies.
Maging ang Visayas at Mindanao ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers pero ito ay dahil naman sa localized thunderstorms.
Kaninang alas-3:00 ng madaling araw, ang LPA ay nasa 35 km east southeast na ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Pero maari namang malusaw ito sa mga susunod na oras kapag makalagpas na ng Palawan.