Hinatulan na ng Sandiganbayan si dating Puerto Princesa CIty Mayor at ngayon ay Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn, dahil sa kinakaharap na kasong Marversation of Public Property.
Nag-ugat ang kaso ni Hagedorn sa 14 na armalite rifle na hindi umano niya ibinalik sa gobyerno pagkatapos ng kanyang termino bilang gobernador noong 2013.
Una nang naghain si Hagedorn ng mosyon na i-dismiss ang nasabing kaso ngunit hindi rin siya kinatigan nang Sandiganbayan. Inilabas ang desisyon dito noong 2018.
Sa nasabing mosyon, sinabi ng kampo ni Hagedorn na inosente siya sa nasabing kaso, at hindi sapat ang elemento ng kaso na nakapaloob dito. Maliban dito, sinabi rin ng dating opisyal na naibalik na nito ang mga armas bago pa man naihain ang kaso sa Sandiganbayan.
Samantala, sa inilabas na opisyal na pahayag ng kampo ni Hagedorn, iginiit nitong siya ay inosente mula sa nasabing paatang.
Tiniyak din nitong gagawin niya ang makakaya upang masagot ang nasabing desisyon.