-- Advertisements --

Nangako ang Duterte administration na dodoblehin ng mga ito ang kanilang pagsisikap para maibsan ang mabilis na pagtaas ng mga consumer prices.

Kasunod na rin ito ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado ay tumaas sa 4 percent noong buwan ng Marso.

Ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, mas mataas ito ng isang pursiyento sa naitalang 3 percent noong buwan ng Enero at Pebrero.

Paliwanang naman ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar ang resulta raw ng upward trend sa transport, gas at iba pang produktong petrolyo ang naging dahilan ng mabilis na pagtaas din ng mga presyo ng bilihin noong nakaraang buwan.

Pero sinabi naman ni Andanar na hindi naman daw pinapabayaan ng pamahalaan ang pag-monitor sa presyo ng basic commodities.

Una rito, sinabi ni Mapa na ang pangunahing countributor sa bumilis na inflation noong buwan ng Marso ay ang pagtaas ng presyo ng mga non-alcoholic beverages; housing, water at electricity.

Sa kabila nito, sinabi ni Mapa na ang average inflation noong Enero hanggang Marso o sa unang quarter ng 2022 at nasa 3.4 percent.

Base naman sa pinakahuling headline inflation ay base sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.3 hanggang 4.1 percent.

Noong nakaraang buwan, base na rin sa pagtaya ng BSP, magkakaroon talaga ng domestic inflation rate sa buwan ng Marso dahil sa pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nagsagawa rin sila ng adjustment sa average inflation projection sa 4.3 percent mula sa dating 3.7 percent para sa 2022 at 3.6 percent mula sa 3.3 percent sa taong 2023.