-- Advertisements --
Pinasalamatan ng Malacañang ang kongreso dahil sa mabilis na pagratipika sa 2022 national budget.
Sinabi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na mahalaga ang ginawang hakbang na ito ng kongreso para sa implementasyon ng economic recovery plans.
Dagdag pa nito mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumuri sa kongreso dahil sa pag-doble kayod nila para maipasa ang national budget.
Tiniyak nito na lahat ng mga buwis na nababayaran ng mga mamamayan na napupunta sa tama.
Nakasaad sa panukalang P5.024 trillion budget na mayroong inilaan na P50- billion para sa COVID-19 vaccines at booster shots.