-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng gobyerno sa mga mamamayan na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi na dapat tinitignan ng mga tao ang mga brand ng bakuna.
Lahat aniya ng bakuna ay ligtas dahil dumaan ito sa pag-aaral ng mga eksperto.
Kasalukuyan kasing tila nakikipag-karera ang gobyerno sa bagong variant ng COVID-19 kaya mahalaga ang pagpapabakuna ng mga tao sa bansa.
Ilan sa mga variant na sinasabing nakapasok na sa bansa yang yung mga unang nadiskubre sa mga bansa gaya ng United Kingdom, South Africa, Brazil at India.
Bukod sa pagpapabakuna ay mahalaga rin aniya na mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.