-- Advertisements --
image 167

Binigyang-diin ng Presidential Communications Office (PCO) ang kahalagahan ng RP-US Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at ng Amerikano.

Ayon sa PCO, mahalaga qng Balikatan gayung naipapakita dito ang pagtutulungan sa defense at military operation Ng dalawang bansa.

Bukod dito ay mapapalawig din aniya ng bansa ang pagpapalakas sa maritime security at paglaban sa banta ng terrorismo sa rehiyon.

Ginagawa ang Balikatan Exercise dagdag pa ng ahensiya sa layuning mapaunlad pa Ang alyansa Ng Pilipinas at Ng Amerika bilang magkabalikat sa ibat- – ibat- larangan na may kinalaman sa depensa.

Nasa 12, 200 ang kalahok na mga sundalong Kano habang nasa 5,400 na sundalong Pinoy ang kalahok sa Balikatan na magtatagal hanggang Abril a beinte tres.

Ang Balikatan Exercises ay bunga ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at ng Amerika alinsunod sa Visiting Forces Agreement na nagsimula pa nuong 1998.