-- Advertisements --

NAGA CITY- Kinansela muna ng Department of Education (DepEd) ang nagpapatuloy na Palarong Panlalawigan dahil sa epekto ng bagyong Ramon.

Batay sa ulat, ipinag-utos ni Schools Division Superintendent Loida N. Nidea ang kanselasyon ng palaro sa Camarines Sur.

Nabatid na ngayong Miyerkules, Nobyembre 13 ang pagsisimula ng naturang palaro na tatagal hanggang sa Nobyembre 15.

Sa kabilang dako, bagama’t may binabantayang sama ng panahon, tuloy naman ang Palarong Panglungsod sa Pacol, Naga City na sinasabing ililipat ang ilang venue sa mga covered courts ng mga eskwelahan at barangay.

Sa ngayon kasama na ang Camarines Provinces sa mga lalawigan sa Bicol na nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1.