-- Advertisements --
pakistan

Nag-courtesy call si Pakistani non-resident defense attache Commodore Nasir Mahmood kay Philippine Army Commanding General, Lt.Gen. Romeo Brawner kahapon, May 6,2022.

Nagpulong na rin ang dalawang opisyal kung saan tinalakay nito ang posibleng pagsasagawa ng capacity-building measures gaya ng bilateral training activities.

Pinuri din ni Commodore Mahmood ang pinirmahang 2022 Philippine-Pakistan Memorandum of Understanding on Defense Cooperation na nilagdaan nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at Pakistan Ambassador to the Philippines Dr. Imtiaz Kazi kung saan lalo pang pinalakas ang existing defense cooperation.

Tinalakay din ni Lt. Gen. Brawner ang posibilidad kung papaano magagamit ng Philippine Army ang Self-Reliant Defense Program ng Pakistan bilang template sa pag develop ng homegrown defense assets, kung saan ang Philippine Army ay maaaring mag pokus sa research and development bilang isa sa mga areas sa posibleng cooperation sa Pakistani Army.

Nagpahayag naman ng kahandaan si Commodore Mahmood na tumulong sa Pilipinas na maghanap ng Pakistani firms na maaaring makapagbigay ng affordable and quality assets na makakatulong sa Philippine Army modernization effort.