Sinimulan na ng Pakistan ang pagpapalikas sa nasa 80,000 mga residente na dadaanan ng bagyong Biparjoy.
Inaasahan kasi na maglalandfall ang bagyo sa araw ng Huwebes sa pagitan ng Mandvi sa Gujarat at Karachi sa Pakistan.
Tinatayang mayroong lakas na hangin ito ng 125 hanggang 135 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 150 kph.
Sinabi ni Sindh Chief Minister Murad Ali Shah na nagdeklara na sila ng emergency at mayroong sundalo na silang ipinakalat para tumulong sa pagpapalikas sa mga maapektuhang residente.
Bilang pag-iingat rin ay pinagbawalan rin nila ang mga residente na mangisda sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Bukod kasi sa Pakistan ay naghahanda na rin ang India kung saan mayroong 12 team State Disaster Response Force ang kanilang ipinakalat sa mga dadaaan ng bagyo.