-- Advertisements --

Kinumpirma ng Punong Ministro ng Pakistan na si Shehbaz Sharif na napabagsak nila ang Indian jets bilang ganti sa air strikes mula sa naturang bansa.

Ayon sa PM, ito ang tugon mula sa kanilang panig laban sa pag-atake ng India na kumitil sa 31 nilang mamamayan at ikinasugat ng 57 pang indibidwal dahil sa air strikes sa Pakistan at Pakistan-administered Kashmir at inilunsad na firing sa may Line of Control.

Samantala, hindi naman kinumpirma pa ng panig ng India ang naturang claim ng Pakistan.

Ayon sa Army ng India, aabot sa 15 sibilyan ang napatay sa pag-atake ng Pakistan sa may de facto border nito.

Ipinaliwanag ng India na ang magdamag na missile strikes nitong Miyerkules ay ganti sa deadly militant attack sa mga turistang Indian nationals sa Pahalgam noong nakalipas na buwan.

Una rito, ilang dekada na ang insurhensiya sa Indian-administered na Kashmir na kumitil na sa libu-libong buhay kung saan kapwa kini-claim ng India at Pakistan ang Kashmir.