-- Advertisements --

Muling nanawagan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr sa publiko na tulungan sila para hanapin ang mga ‘high-profile’ na mga wanted persons.

Ayon sa PNP chief na marami pa ring mga malalaking tao ang pinaghahanap ng mga otoridad gaya ng dating mambabatas na si Zaldy Co at negosyanteng si Atong Ang.

Dagdag pa nito na mayroong malaking pakinabang ang paghahanap sa mga wanted persons lalo na si Ang na mayroong patong sa ulo na P20-milyon.

Natitiyak naman nito na hindi sila tumitigil para hanapin ang mga wanted persons na may kinakaharap na mga kaso.