-- Advertisements --
Bumuhos ang pakikiramay ng iba’t-ibang personalidad at ahensya sa pagpanaw ng kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Susan “Toots” Ople.
Sinabi ng tagapagsalita ng DMW na si Tony Nebrija na pumanaw si Ople ala-1 nitong hapon ng Martes.
Hiniling ng opisyal sa publiko na ipagdasal si Ople pati na rin ang kanyang pamilya sa mga oras ng kanilang pagluluksa.
Kaugnay niyan, ilalabas ang iba pang mga detalye ng funeral at burial ni Sec Ople sa mga susunod na araw.
Kung matatandaan, pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si ople bilang unang kalihim ng bagong likhang DMW noong 2022.










