-- Advertisements --
Inalala rin ng ilang kasamahan sa industriya ang pagpanaw ni Alon dela Rosa.
Maging ang ilang mga fans ay nagpaabot din nang pagkalungkot sa pamamagitan ng social media.
Gaya ng composer na si Vehnee Saturno ay sinabing si Alon ay napakasimpleng tao sa kabila ng kaniyang mga tagumpay.
Kung maalala naging viral ang OPM song na “Pusong Bato” sa internet noong taong 2012 na naging paboritong kantahin ng mga Pinoy sa karaoke.
Kalaunan ay ginamit din ito bilang sountrack sa ilang hit fantasy series.
Una nito, pumanaw sa edad na 61-anyos ang hitmaker dahil sa respiratory complications kahapon.
Kinumpirma ito ng mismong asawa na si Raquel Hernandez. (with reports from Bombo Everly Rico)