Iniulat ng ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos at China na nagkaroon sila ng prangka at produktibong talakayan, sa kabila ito ng nagpapatuloy na matinding alitan sa pagitan ng dalawang malaking bansa.
Ang naturang pagpupulong ay bilang bahagi pa rin ng patuloy na pagsisikap ng Estados Unidos na mapanatili ang bukas na komunikasyon at upang makabuo ng at mataas na lebel ng diplomasya sa pagitan ng US at China.
Isa si Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Kritenbrink sa nakipagpulong sa ilang opisyal ng China.
Kasama ni Daniel si Taiwan affairs Sarah Beran sa nasabing pagpupulong na may layuning i navigate ang komplikadong relasyon ng US sa China sa ilalim ng administrasyong Biden.
Ayon sa opisyal ng US, nagkaroon sila ng palitan ng pananaw tungkol sa bilateral relationship ng dalawang bansa at iba pang mga usapin.
Kinumpirma naman ng China’s Foreign Ministry na ang dalawang partido ay nagkaroon ng tapat, constructive at produktibong komunikasyon sa pagpapabuti ng relasyon ng China at US.
Nilinaw rin ng China ang solemn position nito sa Taiwan at sa iba pang pangunahing issues of Principle.