BAGUIO CITY–Pinayuhan ng isang student mother ang mga kabataan na isipin nila ang kanilang kinabukasan.

Ayon kay Lina Sotelo, isang student mother na may tatlong anak, dapat alam ng mga kabataan ang mga posibleng mangyari sa hinaharap.

Sinabi niya na hindi na pwedeng maibalik ang mga pangyayari sa nakaraan kung kaya’y kailangang pag-isipan ng mabuti ng mga kabataan ang mga desisyong kanilang binubuo.

Pinayuhan pa niya ang nga ito na makinig sa kanilang mga magulang dahil napatunayan niya ang matalinghagang “Mothers knows best” noong naging ganap na siyang ina.

Sinabi pa niya na walang inang gustong mapariwara ang kanyang mga anak kung kaya’t kailangang pakinggan ng bawat anak ang mga payong ipinapahayag ng isang ina.