-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources na naging matagumpay ang pagdalo ng Pilipinas sa ginanap na Climate Change Conference sa Dubai.

Sa isang press briefing sa Malacanang, iniulat ni DENR Sec. Maria Yulo Loyzaga na naging produktibo ang naging pakikibahagi ng bansa sa naturang pagpupulong.

Ayon kay Loyzaga, naitatag sa COP28 ang tinatawag na lost and Damage Fund na tutugon sa Climate Change.

Batay sa datos , umabot na sa higit $700M USD ang ipinangakong pondo mula sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay Loyzaga, ito ay mas mataas at lagpas sa inaasahang P200-M na makukuhang lost and Damage Fund.

Kabilang rin aniya ng Pilipinas sa mga nakakuha ng pwesto para pamahalaan ang nasabing pondo.

Naniniwala rin ang opisyal na ito ay magandang pagkakataon sa bansa na itulak ang mga alalahanin sa usapin sa kalikasan.