TUGUEGARAO CITY – Binigyan-diin ni Vice President Leni Robredo na insulto sa taongbayan ang pahayag ni Davao City Mayor Sarah Duterte na okey lang na magsinungaling ang mga kandidato.

Sinabi ni Robredo na ang kampanya ang paraan para makilala ang mga kandidato at para makapagdesisyon ng tama ang mga botante

Ayon sa kanya, kung kasinungalingan ang ibibigay ng isang kandidato ay magiging unfair ito sa mga botante.

Reaksyon ito ni Robredo sa sinabi ni Sara na lahat ay nagsisinungalinga nang lumabas ang isyu sa academic credentials ng senatorial bet na si Imee Marcos.