Sa susunod na linggo maaring simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna para sa mga fully vaccinated nang senior citizens ay iyong mayroong mga comorbidities gamit ang karagdagang doses ng COVID-19 vaccines, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.Sinabi ito ni Galvez kasunod nang pagdating ng karagdagang 1.3 million Moderna doses.
Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa ngayon sa National Vaccine Operations Center hinggil dito, na nakikita rin nilang makakatulong sa pagtaas ng vaccination rate ng hanggang sa 1.5 million.
Kagabi, inanunsyo ng Department of health na maari nang makakuha ng booster shots bukas, Nobyembre 17, ang mga fully vaccinated nang health workers.
Inirekomenda ng kagawaran ang paggamit ng Moderna, Sinovac, at Pfizer bilang booster doses anuman ang brand na ginamit sa primary series.
Pero sinabi ni Galvez na ang inirekomenda naman ng mga gumagawa ng bakuna ay gumamit ng kaparehong brands para sa booster doses.