-- Advertisements --

Naniniwala si Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na kinakailangan ng komprehensibong solusyon kabilang ang reporma sa sistema sa licensure exam kung nais talaga matugunan ng gobyerno ang kakulangan ng nurses sa bansa.

Inihayag ni Daza, pangunahing dahilan na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang mga nurses ay dahil sa malaking sahod ang alok sa kanila sa ibang bansa.

” It’s an economic issue salaries abroad are definitely higher but our nurses will stay for the right reasons,” pahayag ni Cong. Daza.

Batay sa datos, nasa 80,000 nurses kada taon ang napo-produce ng mga nursing schools sa bansa kung saan 19,000 dito ang pinili na magtrabaho sa ibang bansa.

“At the heart of the problem is really the search for a better life for their families. However, the solutions should be all-encompassing. For one, nurses will prefer staying here in the Philippines with the right motivations, outside of higher salaries,” dagdag pa ni Daza.

Binigyang-diin ni Daza na kailangan ng tignan ang sistema sa pangkalahatan kabilang ang standards at licensing.

Napansin kasi na mababa ang low passing rate sa board exam ng mga nurses.

“It seems that this number alone shows a glaring disparity in how nursing schools train future nurses and what the health sector requires—or it could be that even the examination system must be revisited. We need to increase passing rate and find alternative ways of licensing,”punto ni Daza.

Isinusulong ni Daza ang panukalang rebyuhin o repasuhin ang board exam policies.

“A 50-60% passing rate shows a lot. This means the system is not inclusive. It leaves half of the examinees feeling dejected, depriving them of the chance to practice their profession in a timelier manner,” wika ni Daza.

Nanawagan ang mambabatas sa Commission on Higher Education (CHED), Professional Regulation Commission (PRC), at Board of Nursing na repasuhin ang curricula ng BS Nursing gayundin ang patuloy na edukasyon at retooling programs.

“The review should include the high cost of completing a degree and flaws in the licensure framework with its complicated, almost ‘archaic’ regulations,” pahayag ni Daza.