Nanindigan si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi tumitigil ang gobyerno para maaresto sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa atdating presidential spokesperson Harry Roque.
Sinabi nito na hindi tumitigil ang mga kapulisan para tuluyang matuntun ang kinaroroonan ng Senador.
May ilang stratehiya na silang ginagawa upang mapabilis ang manhunt operations.
Huling nakita ang Senador noong Mayo 13 noong dumalo ito sa session bago itakas ni Senator Robin Padilla ng madaling araw ng Mayo 14.
Hinahanap si Dela Rosa matapos na maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) dahil sa war-on-drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Habang si Roque ay pinaghahanap ng korte ng Angeles City, Pampanga dahil sa kasong human trafficking na may kinalaman sa pagkakasangkot niya sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo).
















