Ipinayo ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagtitipid ng tubig upang magkaroon ng sapat na supply ng tubig para sa 2024 Summer season.
Ito ay kasunod pa rin ng forecast ng state weather bureau na maaaring magtagal hanggang 2024 ang El Nino.
Ayon kay NWRB executive director Dr. Sevillo David, hanggat maaari ay iwasan na ang labis-labis na paggamit ng tubig.
Kung kakayanin aniya, maaari ring gamitin ng publiko ang malinis na tubig ulan, upang mabawasan ang pag-depende sa mga water concessionaire.
Kung kakayanin aniya ng bawat household na mag-ipon ng rainwater, at mapuno ang isang regular-sized drum, sapat na itong gamitin ng isang pamilya.
Maaari aniyang gamitin ang tubig ulan sa ibat ibang pangangailangan, katulad sa CR, panlinis sa bahay, patubig sa mga pananim, at iba pa.
Sa ganitong paraan, mababawasan aniya ang konsumo sa mga water concessionaires katulad ng Maynilad at Manila Water.