-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga mambabatas ang pag-apruba ng National Economic Development Authority (NEDA) Board ang pagtatayo ng P8-billion UP-PGH cancer center sa bansa.

Naniniwala naman si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mas darami pa ang public-private partnership (PPP) program sa iba’t ibang priority sector gaya ng kalusugan, enerhiya at agrikultura.

Ang pagtatayo ng UP-PGH Cancer Center ay siyang kauna-unahang PPP Project sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Ayon kay Salceda sa bagong PPP Law asahan na dadami pa ang mga kahalintulad na proyekto ang maaprubahan sa sandaling ma-amyendahan ang kasalukuyang Build Operate Transfer Law, na isa sa priority legislation ng pamahalaan.

Sinabi ni Salceda na kanilang sisiguraduhin sa Kongreso na mananatiling abot kaya ang user charges at naka-ayon sa layunin ng Universal Health Care Law.

Binigyang-diin ni Salceda na magkaroon ng magandang resulta ang PPP program sa health sector na magreresulta sa mas magandang health care service.

Malaga aniya ito lalo at ang PGH ay maituturing na affordable comprehensive healthcare institution.